Abante Tonite Interactive

Dawn sadyang mapang-akit

720

Tila nananadya si Dawn Chang sa mga lalakeng naglalaway sa kanyang alindog sa mga sexy photo na pinu-post niya sa kanyang Instagram wall.

Maraming nagnanasa sa kagandahan at kaseksihan ni Dawn, lalo na ‘yung mga lalakeng tinanggihan niya ang indecent offer.

Merong politician, may businessman at meron pang artista na ayaw na lang niyang sabihin.

Ang offer lang naman ng mga nabanggit ay travel, shopping, luxury items (bags, shoes, clothes), jewelries, condo unit, bahay at cash money.

Deadma lang ang Kapamilya star sa mga mapanuksong materyal na bagay, lalo’t sinabi niyang hindi siya ang babaeng pumapatol sa mga indecent proposal.

Umaayaw man si Dawn sa mga ganitong kalakaran, nanunukso naman siyang lalo na akitin ang mga nagnanais na matikman ang kanyang katawan.

Walang dudang puwede ngang alukan ng kung ano-ano si Dawn dahil talaga namang nakakapanginig ang kanyang kaseksihan. Namamayagpag ang kanyang sex appeal sa ganda ng kanyang pigura.

Kung nanaisin ni Dawn na dalhin sa acting project ang kanyang pamatay na appeal at ma-ging isang sexy star, posibleng mabansagan siyang “Kinasasabikan ng Bayan.” (Rey Pumaloy)