Abante Tonite Interactive

Dayaan sa Momoland pasabog ni Daisy

670

Kontrobersyal ang interview at statement ng “Momoland” member na si Daisy.

Ayon sa kanya, ang final line-up daw ng “Finding Momoland” noong 2016 ay “rigged” o pinakialaman, dinaya o minaniobra umano ng kung sino man.

Ang “Finding Momoland” is a reality show that aired between July and September of 2016. The show involved 10 trainees from MLD Entertainment (Duble Kick Company at the time). Kinailangan nilang mag-compete to form the group MOMOLAND. The final members were determined 60 percent based on producer evaluation, 20 percent based on online viewer votes, and 20 percent based on votes from the audience at the final performances.

Noong January 7, nilabas ng KBS ang interview kay Daisy at sa ina nito.

Sey ni Daisy, “On the day I was eliminated, the agency contacted me and asked to have a meeting the next day. They told me that they had already planned to include me in MOMOLAND regardless of my elimination and that I would debut in the next album once the promotions for the first album were over. When I entered the waiting room after my elimination, someone from the company told me not to worry because they had plans for me.”

Nag-debut si Daisy sa MOMOLAND’s “Wonderful Love” which was released half a year after the group’s debut.

Bukod dito, nagbayad din daw si Daisy ng part of the production cost ng “Finding Momoland”. Dahil daw sa desire niya na makapag-debut lang sa isang all group, inisip na lang niya na normal lang na magbayad siya.

Itinanggi naman ng Mnet ang naturang alegasyon. Si Daisy ay hindi na nagpa-participate sa mga activities ng Momoland simula pa noong February 2019.

Noong May raw ay nagsabi na si Daisy na gusto na niyang mag-promote, pero ang MLD Entertainment ang nagsabi na ituloy na lang niya ang pagpapahinga.

Nang magsabi naman siya na gusto na lang niyang i-terminate ang kontrata niya, nag-demand ang agency for a penalty of 1.1 billion won (approximately $943,330). Sa standard contract, it states that if an artist breaks the contract, they have to pay a penalty beyond compensation for damages.

Dahil kaya sa ginawang rebelasyon ni Daisy, posible rin na mapatigil ang promotion ng Momoland? Isa sa miyembro nito ay si Nancy na gagawa ng proyekto sa ABS-CBN kapareha si James Reid.