Abante Tonite Interactive

Dayaan video sa Lanao dinetalye ng netizen

310

Binahagi ng isang netizen ang iba pang impormas­yon ukol sa video ng pre-shading sa mga balota noong eleksyon sa Lanao del Sur.

Sa Twitter tinukoy ni Iya @sitzfleisc ang mga taong may kaugnayan diumano sa nangyaring dayaan. Pinangalanan ng Twitter user ang sinasabing mga kabilang sa video, kasama rin sa post nito ang mga larawan ng taong kanyang binanggit na diumano’y may kina­laman sa dayaan.

“Ito yung babaeng nakablue na nagshe-shade ng mga ballots. Professor sa MSU Marawi City college of Nursing kapatid ng BEI (Chairman) na nag serve sa Brgy. Madaya, Lumbatan, Lanao del Sur. Si Salmah Manalocon-Basher,” ayon sa post ni Iya.

Sa kasunod niyang post, tinukoy nito ang ilan pang diumano’y kasama sa video, “Yan siya, na asawa ng Incumbent Mayor ng Lumbatan na si Allan Lao, nagshe-shade ng maraming balota sa tabi mismo (left side) ng BEI chairman na si Dayamon Manalocon at yung (right side niya), ‘yan yung poll clerk na si Salima S. Mandara.

Dagdag pa nito, “Hindi ito pagpirma dahil clearly, nakikita niyo naman placement ng kamay. Maramihang pagshe-shade ulit ito.”

Samantala, una nang nanawagan si Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez na maghain ng pormal na reklamo ang sinumang may impormasyon tungkol sa nag-viral na video.