Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dayao, Narral nagpasiklab

0 104

Bumida sina Jose Dayao III at Khieszia Danielle Narral ng Cyber Muscle Gym Team sa 2021 National Open & Age-Group Powerlifting Championships sa Zest Power sa Quezon City nitong Linggo.

Nagtala si Dayao, 14, ng national boys 53kg sub-junior squat record na 137.5kg sa third and final attempt upang eklipsehan ang 130 ni Aeron Paul Casamayor ng Teresa Bodyworks. May 72.5 siya sa bench press at 140 sa deadlift pa-total 350kgs upang mag-gold at best lifter awardee.

SM food to go Banner Ad

May 45kg squat mark din si Narral para pamayagpagan ang girl’s developmental 31kg category at maging best lifter din.

Pareho ring weightlifter, ang dalawang batang atleta ay ginagabayan ni coach Cirilo Dayao, ang ama rin ni Jose III. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.