Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dayo binutas ulo sa Baseco

0 491

Binaril sa ulo ang isang lalaking na dumayo lang umano sa Baseco Compound, Port Area, Maynila kamakalawa ng tanghali.

Ayon sa Manila Police District-Police Station 5 ang biktima ay nakilalang si Franjill Francia, nasa hustong gulang, nakatira sa Bacoor, Cavite, base sa nakuhang lisensiya sa kanyang pitaka.

Alas-12:00 ng tanghali nang makatanggap ng ulat ang pulisya kaugnay sa insidente ng pamamaril sa lugar. Nang puntahan ng mga awtoridad, inabutan ang biktima na may tama ng bala sa ulo at wala nang buhay.

Wala naman nakuhang anumang impormasyon ang pulisya sa pagpatay sa biktima. Inaalam ng pulisya kung napagtripan o may kinalaman sa iligal na droga ang motibo sa pagpaslang sa biktima. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.