Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dayo inutas ng naka-face mask

0 57

Namatay noon din ang isang hinihinalang dayo lang matapos barilin ng dalawang gunman na naka-face mask kahapon sa may Rail Road St., Port Area, Maynila.

Nakaupo lang na tila may hinihintay ang biktima na nakasumbrero na kulay ay itim, nakaputing t-shirt, jersey short at sneaker nang lapitan ng dalawang suspek.

Nakita sa CCTV na umupo sa bangkito at nakayuko nang barilin ng malapitan ng 2 suspek na kapwa nakasando at short. Hindi pumutok ang baril ng unang gunman pero napuruhan sa ulo ng ikalawang gunman.

Naganap ang insidente mag-a-alas 10:00 ng umaga sa harap ng isang tindahan ng cellphone.

Pagbulagta ng biktima, nilapitan pa ito ng dalawang beses, muling binaril bago kaswal na tumakas.

Muli umanong bumalik ang gunman dahil nalaglag ang magazine ng baril at isang tinderang babae pa ang nag-abot ng basyo ng bala sa suspek.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng Manila Police District-homicide sa pagkakilanlan ng biktima at 2 suspek. at inaalam kung may kinalaman ito sa iligal na droga.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.