Abante Tonite Interactive

Dayong pusher napatay sa Bulacan

By
10

Isang dayong drug pusher ang napatay ng mga awtoridad nang pumalag makaraang magsagawa ng buy-bust operation sa Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang napatay na si Jay Florez alias Edong na nagtamo ng tama ng bala sa katawan habang nakatakas ang kanyang kasama na nakilala sa alias Randy.

Dakong alas-11:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa Brgy. Poblacion, Sta. Maria nang big­lang magpaputok ng baril ang suspek nang akmang aarestuhin na.

Lumilitaw na ang napaslang na tulak ay hindi residente sa nasabing lugar ngunit kilalang tulak sa bayan ng Sta. Maria.

Nakarekober ang pulisya ng isang cal. 22, anim na pakete ng shabu at marked money.