Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dayuhang bisita haharangin sa NAIA

0 119

Pansamantalang haharangin papasok ng Pilipinas ang mga parating na pasahero maliban sa mga pauwing Overseas Filipino workers (OFWs) mula sa 20 bansa na apektado ng `new strain’ ng COVID 19 epektibo ngayon, December 30, 2020 para mapigilan ang pagkalat ng new variant.

Ito ang panawagan ni Health Sec. Francisco Duque lll nang bumisita sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 at 2 kahapon kasama si Office of Transportation Security (OTS) Usec Raul del Rosario para alamin sa mga health personnel kung paano ipatupad ang health protocols sa mga dumarating na pasahero sa airport.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“IATF has passed a resulotion to straigthen the implementation barring foreign travelers arriving from countries that will take effect at 12.01 am on December 30, 2020 until January 15, 2021 to prevent the spread of the new variant of the COVID-19 which is highly contagious,” ani Duque.

Ang travel restriction ay saklaw ang lahat na pasahero mula sa 20 bansa na apektado ng new strain of covid-19 virus na kinabibilangan ng: United Kingdom, Denmark, Hongkong, Ireland, Japan, Australia, South Africa,Israel, Netherlands, Canada, France, South Korea, Switzerland, Singapore, Germany,, Iceland, Italy, Spain, Lebanon at Sweden. (Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.