Abante Tonite Interactive

Dayuhang geologist nadale ng Ativan

0 336

Natangay ang ilang personal na kagamitan at cash ng isang Geologist na French national matapos mabiktima ng umano’y magkapatid habang namamasyal sa bisinidad ng Rizal Park kamakailan sa Ermita, Maynila.

Natangay ang ilang personal na kagamitan at cash ng dayuhang geologist matapos na mabiktima ng mga kawatan na ang modus operandi ay kahalintulad ng Ativan gang.

Sa reklamo ng biktimang si Mikael Attal, 42, pansamantalang nanunuluyan sa Red Doorz Hotel sa Sta. Monica St. Ermita, namamasyal siya sa parke alas-tres ng hapon nang lapitan ng isang babae at nakababatang kapatid, na nakipagkaibigan sa kanya.

Nang makapalagayan na ng loob, niyaya umano ang biktima ng dalawang suspek na bisitahin ang Bamboo Organ sa Las Piñas City.

Pagdating sa lugar, niyaya ang biktima na uminom ng alak. Pagdaka’y nahilo na ang biktima at hindi na umano nito makita ang kanyang P3,000 cash, Sony Xperia cellphone, ATM card at studio Key. (Juliet de Loza-Cudia)