Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dayuhang may valid visa papayagan sa PH

0 243

Inaprubahan ng Inter-Agency for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na makapasok sa bansa ang mga dayuhang may valid visa subalit kailangang sumailalim pa rin sa quarantine protocol pagdating sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Biyernes na inamyendahan ng IATF ang nauna nitong resolusyon na hinigpitan ang mga foreign traveler na makapasok sa bansa bilang pag-iingat sa bagong COVID-19 variant.

Nakasaad sa Resolution No. 95 ng IATF na pinapayagan na ang mga foreign national na may valid visa, kabilang ang mga personnel ng mga accredited international organization, asawa at menor de edad na anak ng mga Filipino citizen. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.