Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dayuhang negosyante timbog sa anti-money laundering

0 96

Tiklo sa Barangay San Roque, San Isidro, Nueva Ecija ang isang negosyanteng Chinese, na may 20 taon ng naninirahan sa Pilipinas, dahil sa umano’y paglabag sa anti-money laundering law.

Batay sa ulat ni P/Maj. Joel de la Cruz sa tanggapan ni PColonel Jaime Santos, acting Nueva Ecija police director, nakilala ang naaresto na si Kunsheng Zheng Chen, 45.

Sa pagsisiyasat, natanggap umano ng pulisya ang warrant of arrest kontra kay Chen na inisyu ni Judge Mildred Villaroman, presiding judge ng RTC Gapan branch, noong Pebrero 19, 2021, dahil sa paglabag sa RA 9160 o Anti-Money Laundering Act of 2001.

Lumilitaw umanong may kaugnayan ang kaso ni Chen sa kinakaharap na kaso ng kapatid na si Zinli Chen na naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Magalang, Pampanga dahil sa umano’y operasyon nito ng drug laboratory. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.