Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dayuhang pasaway sa quarantine sisipain

0 175

Binalaan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang mga dayuhang lumalabag sa mga patakaran na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay maaaring maging sanhi ng pagsasampa ng mga kaso ng deportasyon laban sa kanila.

Ayon kay Morente, ang mga dayuhan ay inaasahang susunod sa mga batas ng Pilipinas, at ang lantarang pagwawalang-bahala sa mga patakaran at mga taong may awtoridad ay maaaring maging dahilan ng kanilang deportasyon.

Noong nakaraang taon, isang Spanish national ang na-blacklist dahil sa umano’y paglabag sa mga patakaran ng enhanced community quarantine (ECQ) at kawalang galang sa awtoridad ng Makati.

Iginiit ni Morente na ang mga dayuhan na hindi gumagalang sa mga taong may awtoridad ay maaaring masampolan.

Ang aksiyon ng BI ay alinsunod sa natanggap nilang mga ulat na ang ilang mga dayuhang executive ng mga kompanya sa Pilipinas ay lumalabag sa mga protocol ng IATF. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.