Abante Tonite Interactive

Dayuhang turista, dumagsa sa PH nitong Hulyo – DOT

By
366

Tumaas ang bilang ng mga dayuhang turista na nagtungo sa bansa nitong July 2018 kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.

Sa pinakahuling tala ng Department of Tourism (DOT), umabot sa kabuuang 601,322 dayuhang turista ang dumagsa sa Pilipinas para sa buwan ng Hulyo ng taong ito, mas mataas ng 5.86 percent kumpara sa naitala noong Hulyo 2017.

Naniniwala si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na mas gaganda pa ang industriya ng turismo sa mga paparating na buwan dahil sa nakatakdang pagbubukas ng Boracay na ilang buwang sumailalim sa rehabilitasyon.

“[T]hings are looking brighter for the tourism industry. With the roll-out of a comprehensive branding campaign in the co­ming months and the scheduled reopening of a better Boracay on October 26, we are optimistic that we will hit, or better yet, surpass our target of 7.4 million for 2018,” saad ni Puyat.

Sa datos ng Statistics, Economics Analysis and Information Management Division (SEAIMD) ng DOT, ang bansang Korea ang nangungunang bansa pa rin na pinanggali­ngan ng mga dayuhang turista sa bansa.

Sumusunod naman ang China, United States, Japan at Australia.