Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DBM-Avisado naisahan ng kolorum sa P727M PPE

0 59

Inaalam na ng tanggapan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado kung iisa lang ang may-ari sa dalawang kompanyang nakakuha ng kontrata sa gobyerno para sa pagbili ng mga personal protective equipment (PPE).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na inamin ng DBM na nabigyan ng kontrata ang isang kompanya na hindi blacklisted, subalit kapangalan ng isang kompanyang nasa kanilang blacklist.

Ito aniya ang dahilan kaya inaalam ng DBM kung kasali ang may-ari ng blacklisted na kompanya.

“It turns out na mayroong isang entity na hindi siya corporation, isang proprietorship na blacklisted sa DBM at iniimbestigahan nila ngayon kung ang may-ari ng proprietorship ay siya ring majority owner ng kompanya, itong kompanyang blacklisted ay Ferjan Health Link Enterprises. Pero yung binigyan ng award ay Ferjan Health Link Philippines Incorporated,” ani Roque.

“Kapag na-verify nila na iisa lang ang may-ari ng mga kompanyang ito ay pinag-aaralan na ng legal ng DBM kung pupuwedeng makansela `yon kontrata na na-award sa Ferjan Health Link Philippines Inc.,” dagdag ni Roque.

Ang kontrata ay nagkakahalaga mg P727 million para sa mga bibilhing PPE at medical supply ng gobyerno. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.