Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DBM binasbasan no bakuna, walang Christmas bonus

0 207

Maaaring pigilan ng mga local government unit (LGUs) ang Christmas bonus ng kanilang mga empleyadong hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19 dahil may awtonomiya naman ang mga ito.

Ito ang paliwanag diumano ng mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) matapos tanungin ni Senador Francis Pangilinan sa deliberayson ng budget sa Senado kung tama bang pairalan ng mga LGU ang “no vaccination, no Christmas bonus” sa kanilang mga kawani.

“Puwede naman ho daw because LGUs enjoy autonomy and what they provide in the budget circular is just a minimum criteria,” tugon ni Senador Sonny Angara, chairperson ng Senate committee on finance na siyang nagdedepensa sa panukalang budget ng DBM.

Tinanong naman ni Senador Francis Tolentino kung ang nasabing polisya ay alinsunod sa batas.

SM food to go Banner Ad

“Yes they have to comply with the national policy apparently,” sagot ni Angara.

Sabi ni Tolentino, siya man ay naguguluhan tungkol sa bagong polisiya dahil sa kawalan ng reaksiyon mula sa DBM hinggil dito.

Dapat aniyang maging proactive ang DBM at linawin ang isyu bago pa man ihayag ng Cebu City ang kanilang bagong polisya.

Matatandaang inihayag ni acting Cebu City Mayor Michael Rama na ang mga empleyadong fully vaccinated laban sa COVID-19 ang makakatanggap ng P20,000 Christmas bonus ngayong taong ito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.