Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DBM bubusisiin sa iniskor na imported PPE

0 201

Naghain ng resolusyon ang Makabayan bloc upang paimbestigahan ang umano’y pagpabor ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Budget and Management (DBM) sa pagbili ng imported na personal protective equipment (PPE) kaysa bilhin ang mga gawa ng lokal na pabrika.

Naniniwala ang Makabayan bloc na dapat ang bilhin ng gobyerno ay ang mga lokal na produkto upang matulungan ang mga kompanya sa bansa at makalikha ng trabaho.

Sa kasalukuyan ang Procurement Service ng DBM ang bumibili ng mga PPE at iba pang produkto na may kaugnayan sa paglaban sa COVID-19 at ang Department of Health (DOH) ang nagbibigay ng technical specifications. Matatandaang sa gitna ng kakulangan ng PPE at pagbagsak ng ekonomiya ay nagsama-sama ang limang kompanya at itinayo ang Coalition of Philippine Manufacturers of PPE (CPMP) at gumastos ng $35 milyon upang makagawa ng medical grade PPE.

SM food to go Banner Ad

Ang CPMP ay nakagagawa ng 57.6 milyong piraso ng medical grade N95, N88, KN95, at mga surgical mask at tatlong milyong coveralls at gowns at 1.5 milyong square meters ng medical-grade fabric kada buwan.

Subalit dahil hindi kumikita ay nagtanggal ng 3,500 empleyado ang tatlo sa limang kompanya mula Hunyo hanggang Disyembre 2020. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.