Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DBM chief Avisado sapol ng COVID

0 89

Naghain ng medical leave si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado matapos tamaan ng COVID-19 infection.

Mula Agosto 2 hanggang 13 ang medical leave ng kalihim matapos maospital sa loob ng walong araw at isasailalim sa quarantine ng higit isang buwan batay na rin sa payo ng kanyang doktor.

Pinayuhan din si Avisado na sumailalim sa serye ng mga eksaminasyon dahil 14 taon na simula nang isailalim siya sa quadruple open heart bypass.

Itinalaga naman ni DBM Undersecretary Tina Rose Marie L. Canda bilang officer-in-charge sa panahong naka-medical leave si Avisado kaya magpapatuloy pa rin ang operasyon ng kagawaran.

Sa isang pahayag na inilabas kagabi, tiniyak ng DBM na mananatili silang gagawin ang mandato para sa maayos na pangangalaga ng national budget lalo na ngayong nahaharap pa ang bansa sa pandemyang dulot ng COVID. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.