Abante Tonite Interactive

DBM-Diokno nagmamantika sa P370B pork

195

Muling inupakan ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya si Department of Budget and Ma­nagement Secretary Benjamin Diokno sa P370 bil­yong pork diumano nito galing sa tinipid na pondo noong 2017 at sa mas malaki pang nalikom noong 2018.

“Documents in our possession show that for 2017, a total of P370 billion was generated in sa­vings. This amount was at the full disposal of Sec. Diokno,” ani Andaya.

“We also know that the amount for 2018 sa­vings is higher. More than enough to sway the outcome of the 2019 elections, if he wants to,” giit pa ng mambabatas.

Pero batid umano ni Andaya na malabong mapagbigyan ang kanilang nais mangyari na ilantad ang lump-sum savings ng tanggapan ni Diokno noong 2018 dahil dito umano nakasalpak ang pork ng DBM.

Sa kabila nito, pinawi ni Andaya ang mga usap-usapan na magkakaroon ng reenacted budget at tiniyak na maaaprubahan ang 2019 national budget at malalagdaan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo.