Abante Tonite Interactive

DBM nagpalabas ng ₱21.8M cash incentive sa mga centenarian ng Bangsamoro

206

Umaabot sa 218 ang mga centenarian sa Bangsamoro Autonomous Region (BARMM) na makakauha sa pamahalaan ng one-time cash incentive na P100,000.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) kahapon, nag-release na ito ng P21.8 milyon sa Mi­nistry of Social Services ng BARMM nu’ng Lunes para maibigay sa mga umabot sa edad na 100.

Ayon sa Centena­rians Act of 2016, lahat ng Pilipinong umaabot sa edad na 100 na nakatira sa bansa o abroad ay bibigyan ng tig P100,000.

Makatatanggap din sila ng Letter of Felicitation mula sa Pangulo ng Pilipinas at Plaque of Recognition para sa mga namatay na centenarian bago ma­ging epektibo ang batas.

Ang P21.8 milyon ay para sa cash incentive ng 218 centenarian sa BARMM para sa taong 2019.

(Eileen Mencias)