Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DBM tinabla LTO: 18M rider nganga sa plaka

0 98

Nanganganib ang supply ng plaka ng motorsiklo matapos na tablahin diumano ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang 2022 budget ng Land Transportation Office (LTO) para sana sa 18 milyong motorcycle plate.

Isiniwalat ito ni LTO chief Edgar Galvante sa pagdinig ng Kamara tungkol sa panukalang budget ng Department of Transportation.

“Ang malaki po naming problema is `yong sa motorcycle. Sa projection po ng LTO, kailangan ng 18 million plates hanggang June 30, 2022. Bagama’t humingi po tayo ng pondo, sa kasamaang-palad hindi po tayo napagbigyan dito,” pahayag ni Galvante sa mga mambabatas.

Sa ngayon aniya ay nasa 3.6 milyong plaka pa lamang ang nagagawa ng LTO batay sa Motorcycle Crime Prevention Act kung saan inoobliga ang paggamit ng malaki at color-coded number plate.

Sa kabila nito, tiniyak ni Galvante na hindi naman magkakaroon ng problema sa plaka ng mga sasakyang may apat na gulong. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.