Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DBM tinipid DepEd: Module sa pandemic hiraman

0 79

Nilantad ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd) na posibleng magpasa-pasahan ang mga estudyante ng self-learning module dahil sa kakulangan ng pondo para sa printing ng mga ito.

Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, mahihirapan na mabigyan ang lahat ng estudyante sa public school ng module dahil kulang umano ang pondo na nilaan sa kanila sa ilalim ng National Expenditure Program sa susunod na taon.

Depensa naman ni San Antonio, para hindi magkahawahan sa virus, isasailalim muna sa disinfection ang mga module para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“The other thing that I was saying, I know there are reservations from a lot of people, is the idea of using the modules on rotation basis,” lahad ng DepEd official.

Paliwanag naman ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, P15B lang ang binigay sa kanila ng Department of Budget and Management, higit na mababa sa kanilang proposal na P34B para maging one is to one ang module ng mga estudyante.

Dahil dito’y mag-a-adjust ang DepEd ng kanilang plano para mapagkasya ang pondo na nilaan sa kanila, isa sa mga naiisip na paraan ay ang pag-solicit at paggamit ng Special Education Fund ng mga LGU.

“So we are readjusting our plan so that we can have a production of the self-learning materials with this amount which was given to us,” lahad ni Sevilla. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.