Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DBP gigisahin ng Kamara sa loan condonation

0 489

PINAIIMBESTIGAHAN ni ACT-CIS partylist Rep. Eric Go Yap at ilan pang mambabatas ang Development Bank of the Philippines (DBP) dahil sa umanoy loan condonation na hindi na pinabayaran na P1.6 bilyon na pumapabor sa ABS-CBN.

Ayon kay Yap, miyembro ng legislative franchise committee, nadiskubre ang naturang condonation o write-off ng naturang halaga base na rin sa mga isinumiteng dokumento ng ABS-CBN sa isinagawang pagdinig sa kongreso ukol sa kanilang prangkisa kamakailan.

“Kung totoo ito, napakalaki ng nawalang pera sa pamahalaan, at napakalaking kalugihian nito sa ating gobyerno. Kaya hindi dapat ito palampasin at agad na maimbestigahan,” ani Yap.

Giit pa ng mambabatas kaya nila ipinatawag ang imbestigasyon sa Kongreso ay para papagpaliwanagin ang DBP ukol sa isyu.

“Maraming pwedeng paggamitan ang P1.6 billion na dapat sana ay napakinabangan ng publiko lalo na ngayong panahon ng pandemya,” dagdag pa ni Yap.

Bukod sa mga represantante ng DBP, inatasan din ni Yap ang mga ito na dalhin ang lahat ng kaukulang dokumento ukol sa nasabing loan condonation.

Leave A Reply

Your email address will not be published.