Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DBP sinabon sa Batasan

0 36

Kumbinsido si AnaKalusugan Rep. Michael Defensor na mayroong iregularidad sa mga hakbang na ginawa ng Development Bank of the Philippines (DBP) sa pautang nito sa mga kompanya ng pamilya Lopez.

Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni Defensor sa simula pa lamang ay mukhang lugi na ang DBP dahil wala itong kolateral na makukuha sakaling hindi makapagbayad ang mga kompanya ng pamilya Lopez.

Umabot umano sa P144.5 milyon ang interest at multa hanggang noong Disyembre 2004 pero nagdesisyon umano ang DBP board na burahin o huwag na itong pabayaran.

Inilagay ito ng DBP sa non-performing assets portfolio nito at para makabawi ay ibinenta ng DBP ang mga non-performing assets nito.

SM food to go Banner Ad

Nauna rito ay humingi ng paumanhin si House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman at DIWA party-list Rep. Michael Aglipay kay Pangulong Rodrigo Duterte kung nagmukha umanong ayaw nang ituloy ng kanyang komite ang pagkalkal sa isyu sa DBP at Lopez group.

“Mr. President, I am sincerely sorry. And may I humbly request for your forgiveness for the inconvenience that we may have caused you by reason of these hearings,” ani Aglipay.

Sinabi ni Aglipay na sinuspendi lamang ng isang buwan ng kanyang komite ang pagdinig ng sinasabing iregularidad na ginawa sa inutang ng pamilya Lopez sa DBP.(Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.