Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DDR mapapagaan ang bigat ng kalamidad – Salceda

0 149

MAPAPAGAAN ng Department of Disaster Resilience (DDR) ang bigat ng pananalasa ng mga kalamidad sa sandaling maging maisabatas ang panukala.

Ipinasa na ng Kamara DDR o ang House Bill 5989 at naghihintay ng aksiyon ng Senado.

Unang ipinasa ng Kamara ang DDR bill na akda ni Albay Rep. Joey Salceda, noong 2018, ngunit inabutan sa Senado ng halalan kaya hindi nakalusot.

Muli itong inihain ng mambabatas sa 18th Congress at ipinasa ng Kamara nitong nakaraang Setyembre.

Ayon kay Salceda na chairman ng House Ways and Means Committee, umaasa siyang susuportahan ng mga senador ang panukala, lalo na at si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang bumalangkas ng Senate version nito kung saan isinama niya ang ilang mahalagang tampok na ipinaloob din ni Salceda sa HB 5989 nang muli niya itong inihain.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinuri ni Salceda ang magagandang idinagdag ni Go sa unang panukala kung saan ay binigyang diin na sadyang kailangan ang “pagbabago ng pananaw at pag-iisip sa pagtugon sa mga kalamidad na malimit na nagaganap at nagdudulot ng ibayong hirap sa mga mamamayan, gaya ng dulot ng umiiral na Covid-19 pandemic.”

Kapwa isinusulong nina Salceda at Go ang panukalang DDR.

Ilang ulit na ring sinabi ni Pangulong Duterte na prayoridad ang paglikha ng DDR bilang tugon sa mga kalamidad na tila lumilimit ang dating at nagiging higit na mabagsik.

Layuning likhain ang DDR, isang departamento ng ehikutibo, na siyang magiging “pangunahing ahensiyang mangangasiwa sa pagkilos ng gubiyerno laban sa mga kalamidad, pagiging handa sa mga ito, at muling pagbangon pagkatapos nilang manalasa.”

Umapela si Salceda at mga ‘co-authors’ niya sa HB 5989 sa Senado na “bilisan ang pagpasa nito sa panukalang DDR na gagawing ‘institutional’ ang nagkakaisang pagkilos, sa ilalim ng kumprehensibong balangkas pasa sa pagiging handa, at akmang pagtugon ng bansa sa mga kalamidad.

Ayon sa mambabatas, naniniwala siyang maipapasa na ang panukalang DDR ngayong naramdaman na ng mga Pilipino na sadyang kailangan na ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.