Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah rumaket habang nag-iiyakan ang Kapamilya

0 1,002

Nag-trending sa Twitter last Saturday ang topic na “Protect Sarah G AtAllCost mula sa kanyang mga supporters dahil sa mga pangba-bash na nararanasan ng aktres/singer just because nananahimik siya sa issue ng ABS-CBN at hindi man lang daw niya ipinaglalaban.

Lalo pa ngang napansin ito ng netizens nang magsalita si Angel Locsin sa noise barrage ng ABS-CBN last Saturday kung saan ay pinuna ng aktres ang mga artistang hindi nagsasalita at naninindigan para sa network.

Ipinagtanggol ng kanyang mga supporters si Sarah at anila, parang kasalanan pa raw ni Popstar Royalty ang pagkakatanggal ng mga empleyado sa ABS-CBN.

“To all ABS-CBN employees who lost their jobs, we pray that God soon shows you what He has planned for you. You deserve better and we’re so sorry. However to some who are being a little bitch and think like it’s all Sarah Geronimo’s fault, FCK OFF!” tweet ng isang supporter ni Sarah.

Pagtatanggol naman ng isa pang fan, sana raw ay irespeto si Sarah sa pananahimik nito at ipinaalalang isa rin si Popstar sa mga apektado sa pagsasara ng Dos.

“This woman has been working her ass off and serving us quality entertainment since 2003. without her, idk if i can see myself watching local shows. she’s been an inspiration to many and her music helped a lot of us to feel comfort when in need.

“I know this is a hard time to a lot of people especially to the employees, but remember that sarah is included to those who are affected in what happened. she deserves to be happy rn and it’s not hard to give her the RESPECT she deserves.

“We love you @JustSarahG we will fight for u. and please know that we’re here for u no matter what happen. enjoy the best of ur life queen sarah! mahal ka namin forever!!! Protect Sarah G AtAllCost,” tweet ng isang Popster (tawag sa fans ni Sarah).

Ayon naman sa isa pang loyal fan ay may ginagawa naman daw si Sarah para makatulong.

“She always lend her hand to help and even donated and waived her talent fees even before. God works in miracles as Sarah does. Silence and prayer means a lot,” komento ng fan.

May pumuna naman ng pagge-guest nang live ni Sarah sa Shopee last July 17, Friday, sa panahong nag-iiyakan ang mga Kapamilya na nawalan ng trabaho.

“I’M GONNA UNSTAN HER. I HAVE REACHED MY LIMIT. I mean, wala namang masama na mag-guest sa shopee, pero going live while the other artists are out there fighting for the smaller ABS CBN employees & the company is literally falling apart??? This is another level of TONE DEAF,” tweet ng isang netizen.

Well, kami man ay naniniwala na hindi dapat pilitin si Sarah na magsalita kung hindi siya kumportable. Kung may kalayaan ang lahat na magsalita, of course, it should also go the other way around na may kalayaan ka ring manahimik.

Alam naman siguro ng lahat din na known supporter ang asawang niyang si Matteo Guidicelli ni President Rodrigo Duterte so, intindihin natin siya kung ayaw niyang ilagay sa alanganin ang kanyang asawa.

Besides, we’ve known Sarah bilang masunuring anak at kapatid. So, understandable na ganu’n siya talaga – a follower. And as far as we can remember, never niyang ipinagtanggol ang sarili kahit tinitira na. Ibang tao pa ba ang ipagtatanggol niya? That’s her personality at hindi natin siya pwedeng i-judge dahil diyan. Tama naman ang kanyang mga fan na let’s give her the respect she deserves.

Kapuso actor join sa noise barrage ng ABS-CBN

Apektado rin pala ang Kapuso star na si Mikoy Morales sa naganap na retrenchment sa ABS-CBN. Ang kanyang ina ay nagtatrabaho sa Human Resources department ng network at isa ito sa natanggal.

This explains kung bakit sumama si Mikoy sa noise barrage ng ABS-CBN last Saturday. Makikita rin sa kanyang mga post ang pagsuporta sa network at pakikiisa sa pakikipaglaban.

Sa tweet ni Mikoy last Saturday ay makikita ang kanyang ina habang nakasakay sa loob ng van at iwinawagayway ang ABS-CBN ID nito sa labas.

Caption ni Mikoy, “waving her ID one last time” na nakakadurog ng puso.

Ayon nga sa source namin ay buong department ng HR ang na-dissolve na sobrang nakakalungkot talaga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.