Abante Tonite
Mabilis sa Balita

De bisikletang isnatser tiklo

0 178

Nakorner ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang snatcher na papatakas gamit ang kanyang bisekleta kahapon sa may Taft Avenue malapit sa Dagonoy St., Malate, Maynila.

Binitbit nina PSSg Leonilo Perucho at PCpl Aaron Euste, sa MPD-Police Station 9 ang suspek na si Ronnie Valenton y Noquilla, 27, miyembro ng Sputnik gang at taga-Navotas City.

Sa reklamo ni Ronnie Boreta, 37, driver, ng 373OC P. Dela Cruz, San Bartolome, QC, naganap ang insidente alas-10 ng umaga sa harap ng Manila Residences sa Malate.

Habang abala sa paglalagay ng mga appliances ay dumating ang suspek at tinangay ang sling bag ng biktima na iniwan niya sa drivers’ seat ng truck.

Nagsisigaw habang hinahabol ng biktima ang suspek na nakatawag pansin sa mga pulis sa checkpoint kaya hinabol hanggang makorner ang suspek.

Nabawi ang sling bag ng biktima na naglalaman ng cellphone at P600 cash. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.