Abante Tonite
Mabilis sa Balita

De Guzman, Go sokpa sa Final 4

0 101

Mga laro ngayon:
(Aquamarine Recreational Center-Lipa, Batangas)
10:00 a.m. – Sabong International Spikers vs Team Dasma Monarchs
4:00 p.m. – MRT-Negros vs Global Remit

Nagbaon si John Vic De Guzman ng 17 points nang paspasang walisin ng Go for Gold-Air Force Aguilas ang Basilan Steel Spikers, 25-15, 28-26, 25-20, sa 1st Philippine National Volleyball Federation 2021 Champions League men’s tournament Day 2 Martes sa Aquamarine Recreation Center sa Lipa, Batangas.

Sa perfect second straight win kasama ang sa five-set kontra Manileño Spikers Lunes, akyat na sa semifinals ang Aguilas sa Pool A. Nakatakda sa Biyernes, Disyembre 3 ang Final Four matches.

Kinasabwat ng 2019 PH SEA Games silver medal national team member na si De Guzman sa atake ng GFG si Mark Gil Alfafara na sumukli sa tropa ng 13 markers.

Related Posts

Pinalobo ng Aguilas ang kalamangan sa 19-13 sa third stanza. Isang cross court attack mula kay Alfafara ang naglagay sa Go for Gold sa 23-17 habang isang atake buhat kay De Guzman ang tumapos sa labanan.

Bitin para sa Steel Spikers ang tig-siyam na puntos nina Esmail Kasim at Mohammed Jainor Sulayman sa bulilyasong binyag sa sa seven-team, six-day men’s indoor volleyfest.

Pasiklab naman si Jelord Talisayang ng 18 kills sa Sabong International Spikers (1-1) na pinupog ang Global Remit (0-2), 25-21, 25-21, 17-25, 25-21. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.