Abante Tonite
Mabilis sa Balita

De Guzman hari ng online chess

0 225

Pinagharian ni International Master Ricardo De Guzman ang Asian Seniors Zone 3.3 (50 and over) Online Chess Championships makaraang gibain si Rudijanto Majella ng Indonesia sa final round noong Miyerkoles.

Ang importanteng panalo ay naghatid kay De Guzman sa pagtala ng 6.0 points, kaiskor nina Grandmaster Rogelio Antonio Jr. at National Master Rodolfo Ibanez na kanyang dinaig sa tie break points.
Ang top three winners ang kakatawan sa Zone 3.3 sa finals na papailanlang sa Hulyo 21. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.