Abante Tonite
Mabilis sa Balita

De Guzman ‘luwa-mata’

0 98

HINDI napigilan ni Pinoy men’s volleyball star John Vic De Guzman na mamangha sa mga kapwa balibolista mula Japan na sina Ran Takahashi, Yuji Nishida at Yuki Ishikawa.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ng Philippine men’s volleyball team captain De Guzman ang kanyang litrato kasama ang tatlong sikat na mga volleyball player ng Japan.

“Arigato Gozaimasu to Team Japan esp. to their power trio @ran.volleyball0902 @nishidayuji0130 @yuki_ishikawa_official for making the Filipino Volleyball fans extremely happy and being an inspiration for a lot to engage and try Men’s Volleyball as their sport,” pahayag ng Air Force reservist na si De Guzman.

Nagkaroon ng pagkakataon si De Guzman na makasalumuha ang mga nasabing star player sa ginanap na 2022 FIVB Volleyball Nations League sa Araneta Coliseum noong nakaraang linggo.

Bukod kay De Guzman, ay sinamantala din ng kauna-unahang Rookie-MVP sa UAAP na si Michaela Belen na makilala at makasama sa litrato ang kanyang idolo na si Takahashi.

Kasunod nito ay pinasalamatan din ni Takahashi ang mga Pilipino sa pamamagitan ng kanyang interpreter na nagpaabot ng kagalakan sa kanyang pagbisita sa ‘Pinas. (Annie Abad)

Leave A Reply

Your email address will not be published.