Abante Tonite Interactive

De Jesus tumalon sa Creamline

258

Malakas na, nagpa­lakas pa!

Kinuha ng ­tigasing Creamline Cool ­Smashers si Ella de Jesus bilang paghahanda sa paparating na Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.

Makakasamang muli ni ‘Ella-vator’ ang mga former Ateneo teammates na sina Alyssa Valdez at Jia Morado.

Nagsama ang tatlo sa back-to-back title ng Lady Eagles taong 2014 at 2015 sa ilalim ni coach Tai Bundit.

Bago tumalon sa Cool Smashers ay ­mi­yembro ng BanKo ­Perlas si de Jesus.