Abante Tonite
Mabilis sa Balita

De-kalibreng armas ng NPA nasabat

0 211

NASABAT ng mga sundalo ang iba’t ibang uri ng armas sa sunod-sunod na operasyon laban sa New People’s Army sa dalawang bayan sa Davao de Oro.

Pinangunahan ng 28th Infantry Battalion ng Philippine Army ang operasyon kung saan nakakuha sila ng mga eksplosibo at armas na pagmamay-ari umano ng NPA.

Nitong nagdaang Martes, nakuha ng mga militar ang tatlong mataas na uri ng armas sa Barangay Malamudao sa bayan ng Maco matapos umanong ibuking ng dating vice commanding officer ng Guerrilla Front 2 ng NPA na si Julius Acquiatan ang lokasyon ng arms cache.

SM food to go Banner Ad

Kabilang sa mga nasabat ang isang M16 armalite, isang M653 baby armalite at isang sniper rifle.

Nitong nagdaang linggo, nakuha naman sa Sitio Diat Palo, Barangay Napnapan sa bayan ng Pantukan ang dalawang landmine o improvised explosive device. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.