Abante Tonite
Mabilis sa Balita

De-kalibreng armas, pampasabog ng rebelde nasabat

0 76

Patay sa engkuwentro ang isang hinihinalang miyembro ng rebeldeng grupo kasabay ng pagkakakumpiska sa mga de-kalibreng armas sa nangyaring engkuwentro sa mga sundalo sa Brgy. San Jose sa bayan ng Bulusan, Sorsogon.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Capt. John Paul Belleza, tagapagsalita ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, na nangyari ang engkuwentro habang nagsasagawa ang militar ng security operation sa lugar. Kasunod ito ng natanggap nilang ulat na may isinasagawang extortion activities ang mga rebelde sa barangay.

Tumagal ng kalahating oras ang bakbakan kung saan narekober ng sundalo ang 3 M16 rifles, M14 rifle, mga pampasabog at iba pa sa pinangyarihan ng engkwentro. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.