Abante Tonite
Mabilis sa Balita

De-kalidad na edukasyon sa OMSU

0 123

Magandang balita sa mga kabataan ng Occidental Mindoro. Hindi n’yo na kailangang lumuwas pa ng Metro Manila para makapag-aral sa ,magagandang kolehiyo at unibersidad.

Ito’y dahil batas na ang isang panukala na mag-u-upgrade sa Occidental Mindoro State College (OMSC) at magiging isa na itong state university.

Kamakailan lang ay nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11857, na nagco-convert sa OMSC sa Occidental Mindoro State University (OMSU). Ang panukala ay isinulong ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato.

Adbokasiya ni Cong. Sato ang magkaroon ng de-kalidad at accessible na edukasyon para sa mga kabataan sa Occidental Mindoro na hindi kailangan pang umalis ng isla at sa halip ipagpatuloy na lang ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo sa kanilang lalawigan.

Bukod diyan, si Sato rin ang author ng dalwang pro-education measure na naging batas. Ito ang Rizal Occidental Mindoro TESDA Training Center (ROMTTAC) na naging Republic Act 10815; at batas para sa paglagay ng Sablayan campus ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) o RA 110561.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kumpiyansa si Sotto na mahihikayat ang mga estudyante na mag-enrol na lang sa OMSU sa halip na magbiyahe pa pa-Maynila para doon ipagpatuloy ang kanillang pag-aaral sa kolehiyo.

“Having a state university in the province would be favorable to our students. They do not need to move to the capital region to earn their college degree; they can enroll here and get the same quality of education that higher learning institutions provide in Metro Manila,” sabi pa ni Sato.

Malaking bagay ang pagkakaroon ng dekalidad na edukasyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng state university katuad ng OMSU. Malaki din kasi ang matitipid ng pamilya sa gastusin sa pagpapaaral ng kanilang mga anak. Halimbwa sa gastos pa lang sa board and lodging. Iyong matitipid nila magiging savings nila o maaring gastusin sa ibang mahahalagang pangangailangan ng pamilya.

Dahil unibersidad na, tiyak maraming bubuksang mga bagong kurso ang OMSU kaya’t magkakaroon ng maraming pagpipilian ang mga estudyante na ibabatay sa kanilang dunong o kaalaman hanggang sa maabot na nila ang kanilang pangarap na makapag-tapos sa kolehiyo.

Mabuti na lang meron silang masipag, mahusay at may malasakit ng kongresista. Napakalaking bagay nito sa kanyang mga kababayan kaya naman tiyak kong laking pasasalamat ng mga taga-Mindoro kay Cong. Sato dahil kung dahil sa kanyang pagpupursige, hindi magkakaroon ng state university sa kanilang lalawigan. Bravo Cong. Sato!

Leave A Reply

Your email address will not be published.