Abante Tonite
Mabilis sa Balita

De-kotse niligpit ng tandem

0 94

Patay ang isang hindi pa nakilalang lalaki nang pagbabarilin ng ‘riding-in-tandem’ sa loob ng kotse sa Ang di pa nakilalang biktima ay lulan ng gray Nissan Almera na may plakang NCM 2935.

Sa inisyal na report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ala-1:40 ng hapon (December 29), nang maganap ang pamamaril sa Sampaguita St., Maligaya Park, Brgy. Pasong Putik Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Pat. Jayson Malvar, binabaybay umano ng biktima ang nasabing lugar nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo at agad siyang pinagbabaril saka mabilis na tumakas nang duguan itong bumulagta.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigayon ang pulisya sa motibo ng pamamaslang. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.