Abante Tonite Interactive

De La Salle student tumalon sa 32nd floor

4,688

Nagkalasog-lasog ang duguang katawan ng isang dalagang estudyante ng De La Salle University (DLSU) makaraang magpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-32 palapag ng isang condominium sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Joselito T. Esquivel, Jr. ang nagpatiwakal na si Keslie Caudal Peret, 22-anyos, 4th year college student at residente ng Unit 26, 02 One Castilla Place Condominium na matatagpuan sa Barangay Valencia, Cubao, Quezon City.

Ang One Castilla Place ay dinebelop ng DMCI na pag-aari ng bilyonaryong si David Consunji.