Abante Tonite Interactive

De-lata, bigas palit basura sa Maynila

270

Bibilhin umano ni Mayor-elect Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang mga basura sa Maynila bilang pagpapatunay na desidido siyang tuparin ang kanyang pangako na lilinisin ang lungsod.

Sinabi ni Domagoso, na dating basurero bago naging artista, sa halip na pera ay coupon na maaaring ipampalit sa bigas at de-lata ang makukuha ng mga residenteng magbebenta ng basura.

“Bilang dating basurero… ‘yung basura mo, bibilin ko po ‘yun kasi nakita ko na if you would stimulate or put these incentives, baka mahikayat, mabuha­yan ang tao,” ayon kay Domagoso.

Binabalak rin nito na ibalik ang mga metro aide o street sweeper ng lungsod upang may re­gular na magwawalis sa mga kalsada, mula umaga hanggang hapon.
“Umaga pa lang makikita niyo may nagwawalis na. Tanghali may nagwawalis. Hapon may nagwawalis. So continuous, honest to goodness na paglilinis,” dagdag pa ni Domagoso.

Una nang sinabi ni Domagoso matapos na maiproklama bilang bagong halal na alkalde ng lungsod, na ‘pali­liguan’ niya ang lungsod, upang maalis ang pagi­ging ‘dugyot’ nito.

Gayundin, nanawagan rin siya sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan na ihinto na ang pamumulitika sa pagpasok ng bagong liderato. (Juliet de Loza-Cudia)