Abante Tonite
Mabilis sa Balita

De-lata siniksik ng shoplifter sa brief

0 38

Dahil sa `bukol sa harapan’ nabuking ang luncheon meat na tinangkang ipuslit mula sa supermarket ng isang binata sa Amadeo, Cavite Martes ng umaga.

Kasong qualified theft ang kinakaharap na kaso ng nahuling si Randy Japonar, 33, merchandizer ng isang supermarket sa Brgy Poblacion 5, Amadeo at taga-Naic, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Alvin Balbuena ng Amadeo Police Station, alas-10:42 kamalawa ng umaga, lalabas sana si Jabonar para mag-merienda nang pigilan siya ng guwardiya dahil sa bukol sa kanyang harapan.

Nang kapkapan, dito na nakita ang isang spam lite na nakatago sa loob ng brief/boxer shorts ng suspek .

(Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.