Abante Tonite Interactive

De Leon, Tolentino rampa sa bagitong Choco Mucho Flying Titans

340

Bilang mga newcomer sa liga, asa­hang makiki­pagsabayan ang Choco Mucho Flying Titans sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019.

Ibabandera nina 81st University Athletic Association of the Philippines 2018-2019 women’s indoor volleyball champions Maddie Madayag, Kat Tolentino at Bea de Leon ng Ateneo de Manila Univetsity ang Flying Titans laban sa walo pang koponan sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc.

Bumubuo rin sa Choco Mucho sina Gyra Barroga, Bang Pineda, Ac Masangkay, Cindy Imbo at iba pa.

Ginulat din ng Choco Mucho ang lahat nang pumirma sa kanilang panig si volleyball le­gend Manilla Santos-Ng na multi-awarded player sa kanyang collegiate years sa De La Salle Univesity.

Ipapamalas ng Choco na ‘di sila magpapahuli sa Open Confe­rence ng liga na magtataas ng kurtina sa darating na Linggo, Agosto 11. (Janiel Abby Toralba)