Abante Tonite Interactive

De Liano, Mighty dinemolis ang Iraq; palaot sa semis

0 135

Binanda ni Juan Gomez de Liano ang tunay niyang potensyal nang sustenahin ng Mighty Sports-Philippines ang magarang porma kontra Al Nift Oil Sports Club-Iraq, 108-94, Huwebes ng gabi at hablutin ang last semifinal ticket ng 30th Dubai International Basketball Championships sa lungsod na ito ng UAE.

Dribol ang fast-rising scoring guard ng University of the Philippines nang makinang na opensiba sa liga ng 21 points, kabilang ang lima sa 16 na triple ng team, na lumukob sa walo niyang error sa pagsikwat ng Mighty Sports ng ikalimang ratsada, kabilang ang pagwalis sa four-game group stage.

Pinakamahalaga, kinumpleto na ng accessories and apparel team na binabak-apan ng SMDC, HealthCube Medical Clinics, Go for Gold at Oriental Game, ang Final Four cast at nakatakdang makatuos ang powerhouse Al Riyadi, isang perennial title contender sa Lebanon’s professional league.

“We’re gonna be in for a big test,” bulalas ni Mighty coach Charles Tiu sa Al Riyadi, na pinadapa ang Al Wahda-Syria, 96-74, sa kanila ring duwelo sa semis.

“They are like (Barangay) Ginebra or San Miguel (Beer) in Lebanon. They are one of the respec­ted clubs in the whole of Asia. Once you hear their name, everybody knows Al Riyadi. It’s gonna be a big challenge for us. And I call us the underdogs even if we’re the top seed from our group. I hope we can make it past against them,” panapos ni Tiu.