Abante Tonite
Mabilis sa Balita

De Lima dismayado sa pagbabago ni Guevarra

0 62

Hindi umano makapaniwala si Senadora Leila De Lima sa tila pagbabago ng pakikitungo sa kanya ni Justice Secretary Menardo Guevarra nang sabihin ng huli na hindi maiiwasan ang conviction sa mambabatas kaugnay sa kasong kinakaharap nito.

Ito’y sa kabila nang pag-abuswelto ng Muntinlupa City Regional Trial Court kay De Lima sa isa sa tatlo nitong kaso na may kinalaman sa droga.

“I hate to say this, but I am very disappointed in Sec. Guevarra,” pahayag ni De Lima, “Since he worked with us in the PNoy administration, he very well knows that I could not possibly have done what his Department and his President now are now moving heaven and earth to prove that I did.

Nauna nang sinabi ni Guevarra, na sinansandalan ng mga state prosecutor ang pagbasura ng korte sa demurrer to evidence at petition for bail ni De Lima.

“If he [Guevarra] is so confident about the inevitability of my conviction, then why does this government have to keep up the pressure on the judiciary just to convict me?” sabi ni De Lima.

Dagdag pa nito, nakapaghain na sila ng motion for reconsideration sa mga kaso kung saan na-deny ang kanilang demurrer.

“Maybe that is why he is so confident. He is so confident on Duterte’s hold on the judicial system he seems to foreclose the possibility that the judicial system will somehow correct itself and soon refuse to be manipulated by a tyrant,” dagdag nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.