Abante Tonite Interactive

De Lima gustong dumalo sa hearing sa pagtiwalag ng ‘Pinas sa ICC

By
3,398

Hiniling ni Senador Leila de Lima sa Korte Suprema na payagan siyang dumalo at makiisa sa oral arguments kaugnay ng pagtiwalag ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Isa si De Lima sa anim na minority sena­tor na nagpetisyon sa Supreme Court (SC) para ideklara na “invalid” o “ineffective” ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute nang walang pagsang-ayon ng two-thirds ng Senado.

Ang apela ng mga mambabatas ay isinama sa Philippine Coalition for the International Criminal Court.

Matatandaang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso ang pagkalas ng bansa sa ICC makaraang kumpirmahin ng korte na pag-aaralan nito kung dapat bang imbestigahan ang Punong Ehekutibo sa kampanya nito kontra iligal na droga.

Si De Lima ay nakulong kaugnay sa pagkakasangkot umano nito sa illegal drug trade sa Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.