Abante Tonite
Mabilis sa Balita

De Lima kay Duterte: Kung pagod ka na, mas pagod kami sa’yo!

0 269

RP

Binanatan ni Senadora Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte, 10 araw bago ganapin ang ikalimang State of the Nation Address ng Presidente.

Sa isang press conference ng mga militanteng grupo, pinabatid ni De Lima ang kanyang pahayag bago ang SONA sa pamamagitan ng kanyang chief of staff na si Fhilip Sawali.

“Ginoong Duterte: Kung bukambibig mong pagod ka na bilang Pangulo, kahit hindi ka naman nagtatrabaho, puwes, mas pagod na kami sa pamumuno mo!” giit ni De Lima.

Hinimok ng senadora ang mga Pinoy na lumaban sa administrasyon ni Duterte dahil sa ilang isyu tulad ng extrajudicial killing, at pagpapasara ng ABS-CBN.

“Kung patatagalin pa ang paniningil, ilang libo pang maralita ang papatayin? Ilan pang inosente, mamamahayag at tagapagtanggol ng karapatang pantao ang ipakukulong? Ilan pang media ang ipasasara? Ilan pang matinong pinuno ang patatalsikin para sa kanilang pansariling interes?” saad pa ng Senadora.

Isa din sa nagsalita ay si dating Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, na pinatalsik noong 2018 at kilala ring kritiko ng Pangulo.

“Come, let us all unite and return to the good. The President has abandoned science, reason, and God. Now, look at where it has all brought us— death, despair, the destruction of the economy as well as the violation of human dignity,” ayon kay Sereno.

Leave A Reply

Your email address will not be published.