Abante Tonite Interactive

De Lima kay Uson: ‘Queen of fake news’ mali ka na naman!

By
521

Hindi na nakakagulat para kay Senador Leila de Lima na muling nagkamali ang tinawag nitong Queen of Fake News na si dating Assistant Secretary Mocha Uson.

Ito ay sa alegasyon ni Uson na may cellphone at Internet access ang senador sa kanyang quarters sa Camp Crame.

“It has come to my attention that Mocha Uson is spreading another disinformation that I have a cellphone and/or Internet access here at my quarters, ci­ting my recent Twitter post about Bong Go’s shameless early campaigning and lack of delicadeza,” saad ni De Lima.

Mariing itinanggi ni De Lima na mayroon siyang cellphone at access sa Internet sa kanyang detention cell kasabay ng paggiit na sumusunod siya sa rules and regulations na ipinatutupad ng custodial authorities.