Abante Tonite Interactive

De Lima lulusot din sa droga

By
2,108

Posibleng sumunod na makalusot din sa kasong may kinalaman sa iligal na droga si Senador Leila de Lima kung pagbabatayan ang naging resolusyon ng Department of Justice (DOJ) na inabsuwelto ang mga umano’y drug lord na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim at 20 iba pa na sangkot umano sa illegal drug trade dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya.

“It is now clear that charges against Sen Leila De Lima won’t hold water given such admission by DOJ that they don’t have sufficient evidence against drug personalities they linked to her. Even the testimonies of convicted drug lords in NBP against Sen De Lima can’t be used in court as their words have no value in rules of evidence,” pahayag ni Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin.

Ito ang reaksyon ni Villarin kaugnay sa re­solusyon na pirmado ni Acting Prosecutor Ge­neral Jorge Catalan Jr. na inabsuwelto sina Espinosa, Peter Lim, Peter Co, Marcelo Adorco, Max Miro, Lovely Impal, Ruel Malindangan, Jun Pepito at iba pa na nakilala lamang sa mga alyas.

Binigyan-diin naman ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na bagama’t magkahiwalay ang kaso ng grupo nina Espinosa at Lim kay De Lima ay may testimonya umano dati si Espinosa na nagbigay siya ng ‘protection mo­ney’ kay De Lima noong kalihim pa ito ng DOJ na ginamit upang suporta­han ang isinampang kaso laban sa senador.
“Tapos ngayon eh kulang daw evidence against Kerwin?” ani Baguilat.