Abante Tonite
Mabilis sa Balita

De Lima na-stroke, pinalaya

0 707

Kinatigan ng Muntinlupa Regional Trial Court ang hiling ni Senadora Leila de Lima na medical furlough, kasunod ng naranasan umanong mild stroke.

Sa mosyon ni De Lima, hiniling nito na makapagpasuri sa ospital, kasunod ng naranasang madalas na pagsakit ng ulo at panghihina ng katawan mula pa noong Abril 20.

Kinumpirma naman ito ni Atty. Fhillip Sawali, chief of staff ni De Lima. Aniya, “It’s Senator De Lima’s doctor’s impression that she may have suffered a mild stroke after seeing her, given her previous complaint of headaches and general weakness of her body.”

SM food to go Banner Ad

“MRI and other tests, which are not available at the PNP General Hospital, are needed to ascertain her condition,” dagdag nito.

Tatlong araw na furlough ang binigay kay De Lima simula Abril 24. Sasailalim umano ito pagsusuri sa Manila Doctor’s Hospital. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.