Abante Tonite
Mabilis sa Balita

De Lima nalusutan 1 drug case, 2 pa nakabitin

0 44

Inabsuwelto ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 si Senadora Leila de Lima sa isa sa tatlong kaso nito na may kaugnayan sa iligal na droga.

Sa desisyon ni Judge Liezel Aquiatan ng Muntinlupa RTC Branch 205, hindi napatunayan at walang ebidensiya na nakipagsabwatan si De Lima sa kapwa akusado na si Jose Adrian Dera.

Si Dera ang sinasabing nangolekta ng diumano’y mahigit P3 milyong piso sa mga drug lord sa new Biibid Prison para naman sa kampanya ng senador noong 2016 election.

Samantala, hindi naman binasura ng korte ang hiwalay na drug case niya kasama ang kapwa akusado na si Ronnie Dayan. Hindi rin pinagbigyan ang petisyon ni De Lima para makapagpiyansa.

Si Dayan ay dating driver at bodyguard ni De Lima, na umamin na nag-solicit din ng pera mula sa suspected drug lord na si Kerwin Espinosa para rin sa senatorial bid.

Ikinatuwa ni De Lima ang pagbasura sa kaso. Aniya, “To be acquitted even in just one case, in the time of Duterte, is a victory.”

“Na-deny man ang ating Demurrer to Evidence at Motion for Bail sa Criminal Case No. 17-165, naniniwala ako at ang aking mga abogado na mahina ang ebidensya ng gobyerno dito para patunayan ang mga gawa-gawa nilang paratang,” ayon kay De Lima. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.