Abante Tonite Interactive

De Lima natuwa sa pagtanggap ni Carpio sa CJ nomination

By
466

Ikinatuwa ni Senadora Leila de Lima ang pagtanggap ng nominasyon ni Senior Associate Justice Antonio Carpio para maging susunod na Chief Justice (CJ) ng Korte Suprema.

Ayon kay De Lima, malaki ang epekto at maitutulong ni Carpio sa gitna ng mga isyung panghudikatura sa bansa.
“Amidst issues of great national importance that call out on the members of the Judiciary to preserve their independence and to do their part in upholding the rule of law and our democracy,” ani De Lima.

“I am happy and relieved to find out that Senior Associate Justice Antonio T. Carpio has accepted the nomination to be the next Chief Justice of the Supreme Court,” dagdag nito.

Nitong Oktubre 12 nang tanggapin ni Carpio ang automa­tic nomination para sa posisyong CJ matapos ideklarang bakante ang posisyon nang magretiro si Chief Justice Teresita Leonardo-de Castro noong Oktubre 8.