Abante Tonite
Mabilis sa Balita

De Lima pinarebisa drug case sa DOJ

0 47

Pormal nang hiniling ni Senador Leila de Lima sa Department of Justice (DOJ) na rebyuhin ang kanyang kaso na may kinalaman sa droga.

Hiling pa ni De Lima na agad bawiin ang mga kaso laban sa kanya sakaling madetermina kung totoo ang ginawang pagbawi ng testimonya ni dating Bureau of Corrections (BuCOr) chief Rafael Ragos laban sa kanya.

Nauna nang nag-isyu si Ragos ng notarisadong affidavit sa Pasig City noong Abril 30, 2022 na nagsasabing pinilit lang umano siya na umamin sa bagay na hindi naman nangyari.

SM food to go Banner Ad

“This review should include the other case as well (Criminal Case No. 17-167) because if the Panel of Prosecutors that handles both cases are capable of suborning false testimony in one case, then nothing prevents them from doing the same in the other cases,” bahagi ng liham ni De Lima na ipinadala kay Justice Secretary Menardo Guevarra noong Mayo 5.

Kung mapatunayan umano na tama ang mga bagong pahayag ni Ragos, hiniling ni De Lima na dapat ibasura agad ng DOJ ang mga kasong inihain laban sa kanya. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.