Abante Tonite
Mabilis sa Balita

De Los Santos kasado pa sa 12 online karate

0 310

Kahit may mga super typhoon sa ‘Pinas, hindi mapipigilan ang paglahok ni Orencio James Virgil ‘OJ’ De Los Santos sa mga online international karate tournament.

Nais ng 30-year-old Cebuano Manila-based karateka at two-time Southeast Asian Games bronze winner na mas matagal kapitan ang world No. 1 spot kaya nasa radar pa ang 12 virtual competitions ngayong buwan.

Posibleng umalagwa pa si De Los Santos sa laban sa dating namamayagpag pero niligwak niyang karibal sa No. 2 na si Eduardo Garcia ng Portugal kung maipagpapatuloy ang paghakot ng mga gold medal.

Nito lang Sabado, kinolekta niya ang 18th gold nang maghari sa Pune Open India Karate e-Tournament. Nakalikom na siya ng 9,355 points na mas mataas sa 8,575 ni Garcia.

“The Pune Open will add points to the world rankings,” pahayag ng karatista. “It’s helping me, it’s aiding me in my goal to really widen the gap and help me maintain my number one spot.” (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.