Abante Tonite
Mabilis sa Balita

De los Santos papasiklab uli

0 75

Mahirap at maproblema ang 2020 dahil sa coronavirus pandemic, pero naging makulay pa rin ang taon para kay karateka Orencio James Virgil De Los Santos.

Sumali ang 30-taong-gulang, may taas na 5-5 at tubong Cebu pero nakabase sa Maynila sa 52 online karate tournaments nitong Abril-Disyembre at lumikom ng 36 gold at tig-3 silver at bronze medals.

Naging World No. 1 eKata player rin sa 17,645 points nitong Oktubre pa lang hanggang matapos ang nasabing taon ang pambato ng International Shotokan Karate Federation (ISKF).

“2020 was a very difficult year for the whole world due to the coronavirus pandemic,” post ni De los Santos sa kanyang Facebook nitong isang araw. “But fortunately for me, my sport karate adapted to the new concept of virtual competition. Without hesitation, I took the opportunity.”

Kasama sa tagumpay ng karatista ang anim na Grand Winner titles sa eTournaments na Venice Cup, eChampions Trophy World Series, Athlete’s eTournament, Katana Intercontinental League, Golden League eTournament, at eKarate Games 2020.

“2020, you were a great year to me. It really has been a blast. I’m all ready to exit and enter into 2021. I do hope for the world to return to normal soon,” panapos na namutawi kay De los Santos. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.